Si Ebru Firat ay isang babaeng malakas, masigasig, at magiting. Siya’y isinilang sa isang munting nayon sa bandang timog-kanluran ng Pransya, sa isang pamilya galing Kurdistan, at lumaki sa isang kilalang purok ng Mirail hanggang sa naging labing-walo taong gulang. Noong ika-25 ng Marso, siya’y naging dalawampu’t-walong taong gulang. Gayunpaman, ngayong ikatlong magkakasunod na taon, siya’y mag-iisang makikipagdiwang sa kanyang kaarawan sa isang selda ng kulungan sa Turkey. 3 x 3 metro ang sukat nito.
Ang kanyang kasalanan? Pagiging isang babaeng malaya at tapat. Noong siya’y naging edad labing-walong gulang, siya’y nagpasyang pumunta sa kabundukang Qandil sa hilagang Iraq upang sumali sa PKK, bilang isang nars doon nang ilang taon. Noong Marso ng 2015, habang nagpatuloy ang Labanan ng Kobane, siya’y umalis upang sumali sa isang grupo laban sa Islamistang neo-pasismo. Habang doon, nagpasanay siyang maging nars ng YPG at maging isang tagapagsalin para sa grupong « International Volunteers ». Hinuli siya noong taong 2016 sa Paliparan ng Istanbul Ataturk, habang naghahanda siyang bumalik sa Pransya. Pinapanatili diumano ang pamahalaan ng Turkey ang kanyang mga pag-anib sa mga taong Kurd, hindi ang pangako laban sa grupong « Islamic State » na inaakalang nilang pinapalabanan. Binalewala lang nila ang lahat niyang nagawa laban sa ISIS. At dahil doon siya’y nahatulan ng limang taon sa kulungan noong Nobyembre ng taong 2016 at simula noon ay nakulong habang nag-iisa bilang « political prisoner ».
Naalala ni Agnes Casero, ang kanyang abugado at pangulo ng ALEF (Association for Secularism and International Mutual Assistance of Women): « Posible naman magsulat sa kanya, sa pamamagitan ng aming asosasyon. Nagtatanong siya dahil nasisiyahan siya sa bawat liham na natatanggap niya! »
Nagtatawag kami sa lahat ng nagtataglay ng prinsipyo ng kalayaan, hustisya at sangkatauhan para magpadala kay Ebru ng postcard, sulat, o kahit tula man lang. Lahat ng mga tinipon na liham ay ihahatid kay Ebru. Pinagiisipan namin na mas mabuti kung itinatanggap niya mga ito sa ika-1 ng Mayo, dahil ipinagdiwang niya ito bawat taon sa kanyang selda.
Para makalusot ito sa pagsensura ng Turkey, maglagay o magsulat ng pagbati ng pagkakaisa at taguyod, sa halip ng salitang may pahiwatig ukol sa politika.
Pwede kayo magpadala sa:
ALEF
142, rue de Clignancourt
75018 Paris
FRANCE
Maraming salamat !